Go, isinusulong mga hakbang para mapunan ang gaps sa pandemic response, mapalakas ang kahandaan ng govt sa public health emergencies

Isinusulong ni Senator Christopher “Bong” Go ang set ng mga hakbang na naglalayung mapalakas ang epidemic preparedness at response ng bansa sa COVID-19, sa pamamagitan sa pagtugon sa gaps at kahinaan sa health care system.

Sa kanyang talumpati sa Committee on Health, kinilala ni Go ang pangangailangan na mapalawak ang capacity sa health care system, upang matugunan ang mataas pang bilang sa mga kaso ng COVID-19 sa National Capital Region at sa mga kalapit nitong probinsya.

Sa kabila nito, binigyang diin rin ng senador ang kahalagahan ng ginagampanan ng frontline medical workers. Kabilang sa mga binigyang diin ng mambabatas ay ang kakulangan ng bansa hospital beds, partikular na ang intensive care unit beds, at kailangan rin umano na magtayo ng temporary facilities at modular hospitals para sa mga kaso ng COVID-19.

“But the reality is our health personnel are strained by the surge of COVID-19 cases which hinders our capacity to combat the disease immediately and effectively. As hospitals in the NCR Plus areas are overburdened, its medical frontliners are [also] exhausted because of the number of patients,” saad ni Go.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *