Go, muling nanawagan para sa pagpasa ng DOFil bill

Muling nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go para sa pagpasa ng kanyang Senate Bill No. 1949, o kilala bilang Department of Overseas Filipinos (DOFil) Act of 2020, kasabay ng paghihimok sa kapwa mga mambabatas na magkaisa at suportahan ang panukala.

Ayon kay Go, ang kanyang panukala ay lusot na sa committee hearing, at ipapasa na sa technical working group at committee report.

Dahil dito, umaasa ang senador na maipapasa ito bago magrecess ang Kongreso at mai-presenta sa plenaryo para sa sponsorship, dahil long overdue na umano ito.

“That’s why I am appealing sa aking mga colleague na ipasa na po ito dahil kawawa naman ang ating mga kababayan. ‘Wag natin ipagkait sa kanila. Ten million ang overseas Filipinos; that is around 10% ng population natin,” saad ni Go.

Ang SBN 1949 ay ang pang ikatlong bersyon ng panukala ni Go na unang inihain noong July 2019, na isa rin sa mga priority measures ng kasalukuyang administrasyon, na nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte ng dalawang beses na sa kanyang State of the Nation Addresses.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *