Go, naghatid ng tulong sa mga residente ng Maguindanao sa gitna ng COVID-19 crisis, kasabay ng pagtatapos ng Ramadam

Nagpaabot ng tulong si Senator Christopher “Bong” Go, sa mga residente ng Sultan Kudarat, Maguindanao, na hirap makabangon dahil sa epekto ng socio-economic impact ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Kaugnay nito, nagbigay ang team ni Go ng pagkain at food packs sa 150 beneficiaries na binubuo ng ustadzes, orphans at market vendors, at inabutan rin ang mga ito ng vitamins, masks, at face shields.

May nakatanggap rin ng mga bagong sapatos at besekleta, habang ang iba ay nabigyan ng tablets para sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

“Ngayong Eid’l Fitr, nawa’y mamayani ang bayanihan at malasakit sa bawat isa. Magtulungan at magkaisa po tayo upang sabay-sabay nating malagpasan ang pandemyang ito at makamit natin ang isang malusog at masaganang kinabukasan para sa bawat Pilipino,” mensahe ni Go. Samantala, nagpahayag naman ng solidarity ang senador sa Muslim communities sa Mindanao at tiniyak sa kanila na nananatiling committed ang Duterte Administration sa pagkamit ng long lasting peace at stability sa rehiyon.

Maliban dito, sinabi rin ni Go na patuloy na pinalalakas ng gobyerno ang infrastructure development para makatulong sa economic growth sa lahat ng rehiyon sa bansa, partikular na sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *