Go nagpasalamat sa kapwa senador matapos makapasa sa 2nd reading ang 13 hospital bills

Pinasalamatan ni Sen. Christopher “Bong” Go ang kanyang kapwa mambabatas sa senado sa pagsuporta nito sa 13 local hospital measures na naglalayong mapaganda at maayos ang iba’t-ibang pampublikong pagamutan sa bansa.

Sa isang panayam sinabi ni Go na batid niya ang kasalukuyang sitwasyon ng mga pasyente sa mga public hospitals dahil nakikita niya ito sa kanyang pag-iikot sa buong Pilipinas.

Ayon kay Go malaking bagay kung tuluyang magiging ganap na batas ang panukala upang mapunuan ang mga pagkukulang ng kasalukuyang healthcare system.

Nangako naman ang senador na hindi siya titigil para ipaglaban ang lahat ng hospital bills at lahat ng panukala na makakatulong sa mga mahihirap.

Nagpaliwanag naman si Go kung bakit tumagal ang naturang bill bago nakarating sa plenaryo dahil marami umanong bagay ang isina-alang-alang dito katulad ng pag-comply sa mga requirements kagaya ng mga resolution mula sa LGU at pag-aaral ng iba’t ibang mga ahensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *