Go, namahagi ng tulong sa mga naghihirap na mga manggagawa sa Tambulig, Zamboanga Del Sur

Nag-alok ng tulong ang opisina ni Senator Christopher “Bong” Go sa 1,500 na mga manggagawa na apektado ang mga buhay at kabuhayan sa nagpapatuloy na COVID-19 pandemic sa Tambulig, Zamboanga Del Sur.

Ang mga benepisyaryo ay kinabibilangan ng mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association, event personnel, carinderia at sari-sari store owners, maging mga ambulant vendors.

“Sa Zamboanga del Sur, mga kapatid kong taga-Mindanao… sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Alam kong mahirap ang panahon ngayon dahil marami ang nawalan ng trabaho, marami ang nagsara ang negosyo. Magtulungan lang tayo mga kababayan, malalampasan natin ito basta magtulungan tayo.  Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo ring mga kapwa Pilipino,” saad Go sa kanyang video message.

Sa gitna nito, nanawagan si Go ng pasensya, vigilance at patuloy na kooperasyon sa mga Pilipino sa gitna na sinisikap ng pamahalaan na maabot ang population protection at kalaunay herd immunity sa pamamagitan ng pagpapabilis sa rollout ng bakuna sa buong bansa.

“Mga kababayan, magtiwala lang kayo sa bakuna, huwag kayong matakot sa bakuna.  Ang bakuna ang susi o solusyon para unti-unti na tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay,” he said.

Kasabay nito, muling hinimok ng senador ang priority sectors gaya ng economic frontliners na magpabakuna laban sa COVID-19 upang maprotektahan ang kanilang mga sarili mula sa virus at matulungan ang kumunidad na makarekober mula sa krisis.

“Pakiusap lang namin, kapag nasa priority list na kayo, magpabakuna na sana kayo, para dahan-dahan na nating makamtan ang population protection and herd immunity, para maging masaya naman ang ating Pasko ngayong taon. Basta mag-ingat lang kayo. Maraming salamat sa inyong lahat,” he added.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *