Go, nanawagan ng mahigpit na pag-iingat kasunod ng Indian variant sa PH

Umapela si Senator Christopher “Bong” Go sa lahat ng mga Pilipino na manatiling vigilant, at makipagtulungan sa mga otoridad, at ipakita ang malasakit sa bawat isa, matapos kumpirmahin ng Department of Health ang dalawang kaso ng B.1.617 coronavirus variant na unang nadetect sa India.

Dahil dito, nanawagan si Go sa mga kababayan na huwag maging kampante at manatiling vigilant dahil ang banta ng COVID-19, lalo na ng bagong variants, ay patuloy na umiiral.

Kaugnay nito, hinimok rin ng senador ang mga Pilipino na patuloy na suportahan ang gobyerno at magtiwala sa bakuna, bilang ito ay mahalaga para makamit ang herd immunity sa mga kumunidad, na kalauna’y magbabalik sa normal sa bansa.

Binigyang diin naman ng senador na ang pandemic situation sa India ay kailangang magsilbi bilang cautionary tale para sa bansa. Sa huli, nanawagan si Go sa mga otoridad na palakasin ang pagpapatupad ng health protocols, border control measures, at disease surveillance, para lalo pang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *