Go, pinuri ang desisyon ng PRC na mas agahan ang Nursing Licensure Exam

Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang desisyon ng Professional Regulation Commission na ireschedule ang Nursing Licensure Examination (NLE) sa mas maagang petsa upang ang mga fresh graduates na makakapasa sa exams ay agad na maidadagdag sa bilang ng mga healthcare professionals sa bansa sa gitna ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

“Napakahalaga po nito ngayon, lalo na at may pandemya kung saan hindi lamang temporary medical facilities ang kailangan nating dagdagan kundi pati na rin ang bilang ng ating mga healthcare professionals na mangangalaga sa ating mga kababayan laban sa COVID-19,” saad ni Go.

Mababatid na inanunsyo ng PRC na ang May 2021 Nursing Licensure Exam schedule, na una nang ipinagpaliban para sana sa November 2021, ay matutuloy na sa July 3-4, 2021.

Samantala, kasunod ng apela ni Go, isinama na ng National Task Force Recovery Cluster ang PRC frontline personnel sa A4 priority group para sa vaccination.

Sa gitna nito, hiniling ng senador sa mga kinauukulan na pag-aralan ang posibleng pagsama sa future health professionals o pre-board nursing graduates sa vaccination priority list, partikular na ang mga nakatakdang kumuha ng kanilang licensure exams ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *