Go: PRRD ipa-prayuridad ang PH nat’l interest, welfare ng mga Pilipino re: WPS row

Tiniyak ni Senator Christopher “Bong” Go sa publiko na ang national interest ng bansa at ang kapakanan ng lahat ng mga Pilipino ay ang prayuridad ni Pangulong Rodrigo Duterte pagdating sa usapin ng West Philippine Sea.

Ayon kay Go, bilang chief architect ng independent foreign policy ng bansa, kailangan umano na makipagtrabaho ni Duterte sa international partners sa pagtugon sa nagpapatuloy na pandemya, habang tiniyak ang interest ng bansa sa West Philippine Sea.

“Ibig sabihin ni Pangulong Duterte, isulong ang dapat isulong, ipaglaban ang dapat ipaglaban, isantabi muna ang dapat isantabi…nasa gitna pa tayo ng pandemya at kailangan natin magtulungan sa isa’t isa,” dagdag ni Go.

Kampante naman ang senador sa judgment ng pangulo kaugnay sa naturang usapin, at ipaglalaban umano nito kung ang ang para sa bansa, at kung anu ang napalunan natin.

Binigyang diin rin ni Go na interest umano ng lahat ng parties concerned na pagtibayin ang peaceful settlement ng disputes, consistent sa international law at relevant treaty obligations, kabilang na ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *