Go umapela sa kapwa mambabatas na ipasa na ang ‘local hospital bills’ naglalayong pagandahin ang mga pasilidad sa mga pampublikong pagamutan

Umapela si Senador Christopher Bong Go sa kapwa niya mga mambabatas na huwag nang patagalin pa ang pagpasa sa local hospital bills na naglalayong mapaganda at mapaunlad ang serbisyo ng pampublikong pagamutan sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Ayon kay Go dapat maging prayuridad ito sa ngayon lalo’t ayaw niya umanong mangyari na naghihingalo na ang mga kababayan natin at wala nang mapuntahan ngayong pandemic.

Nanawagan din si Go sa iba pang mga senador na huwag ipagkait ang karapatan ng bawat Pilipino na makaranas ng dekalidad na healthcare ngayong may pandemya dahil ang naturang measures ay nakapasa na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at nasa kamay na ng Senado ang bola para ipasa ito.

Dagdag pa ng mambabatas na napaka-krusyal ng panahon ngayon at kailangan natin ng mga pasilidad at pag-upgrade sa mga ospital dahil sa katunayan maraming mga LGUs na ang humihingi ng tulong kaugnay dito.

 Binigyan diin din ni Go na sa kanyang pag-iikot sa buong bansa nasaksihan niya mismo na kulang na kulang ang mga health facilities sa mga public hospitals.

Bilang mambabatas at Chair ng Senate Committee on Health iginiit ng senador na patuloy niyang ipaglalaban ang pagsasaayos ng kapasidad at kapabilidad ng mga pampublikong pagamutan upang matugunan ang pangangailangan ng mga maysakit , anuman ang antas nila sa buhay, at kahit saan mang sulok ng bansa sila naroroon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *