Go, welcome ang ilang ‘creative ways’ ng LGUs para mapataas ang kumpiyansa ng publiko sa COVID vax

Nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go para sa whole-of nation approach para mapataas ang awareness at public confidence sa bakuna, upang matugunan ang takot at pag-aalinlangan ng ilan na magpabakuna.

Ayon kay Go, upang mapabilis ang rollout at makamit ang herd immunity sa lalong madaling panahon ay dapat mabigyan umano ang publiko ng tamang impormasyon bilang assurance na ang bakuna ay ligtas, epektibo, at kailangan upang mawakasan na ang COVID-19 pandemic.

Kaugnay nito, welcome para sa senador ang inisyatibo ang ilang grupo na mahikayat ang mga Pilipino na magpabakuna, at sinabing kailangan mag-explore ang gobyerno ng mas creative na pamamaraan para mapataas ang kumpiyansa ng publiko, sa gitna ng paghahanda para sa pagpapatupad sa susunod na phases ng vaccination rollout.

Giit ni Go, maraming bansa na ang nag-aalok ng iba’t-ibang insentibo para magpabakuna ang kanilang mga mamamayan. “Maganda naman ‘yun. Kanya-kanya naman tayo ng paraan para ma-engganyo ang mga kababayan natin. Kung makaka-engganyo, bakit hindi?

Sa ibang bansa sinasali nila sa lottery at dito nagpapa-raffle. Sa Amerika, binibigyan pa nila ng mga incentives,” pahayag pa ng senador.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *