Go, welcome ang pagban ng PH sa mga biyahero mula sa India sa gitna ng bagong COVID-19 variant

Hinimok ni Senator Bong Go ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na ituloy ang pagreview at pag-adjust sa travel protocols para maiwasan na pagpasok sa Pilipinas ang bago at mas nakakahawang COVID-19 variants mula sa ibang mga bansa.

Kasunod naman ng second wave ng COVID-19 infections sa India, pinuri ni Go ang desisyon ng gobyerno na agad magpatupd ng restrictions sa mga magbibiyahe mula sa naturang bansa.

“Habang sinusubukan nating masolusyunan ang pagtaas ng mga kaso sa Pilipinas, bantayan din natin ang mga pangyayari sa iba pang parte ng mundo para hindi ito mas lalong makaapekto sa kasalukuyang sitwasyon sa loob ng bansa. Umaapela ako sa gobyerno na pag-aralan ang posibleng pagpapatupad ng travel restrictions sa mga papasok mula sa mga bansa kung saan mataas ang kaso ng COVID-19, gaya ng Brazil, sa lalong madaling panahon,” saad ni Go.

Una nang sinabi ng Palasyo na ban makapasok sa Pilipinas ang lahat ng mga travelers mula sa India o ang mga may travel history sa naturang bansa sa loob ng nakalipas na 14-araw, mula April 29 hanggang May 14.

Samantala, ang mga pasahero naman na dumaan na sa naturang bansa na nakapasok na sa Pilipinas ay kailangang sumailalim sa mahigpit na stricter quarantine at testing protocols.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *