Goat multiplier project ng DA RFO2, ipinasakamay na sa ISU Cabagan

Ipinasakamay na ng Department of Agriculture – Regional Field Office No. 02 ang Goat Multiplier Project sa Isabela State University-Cabagan Campus bilang suporta sa Bayanihan II project ng pamahalaan.

Inihayag ni DA RO2 Regional Executive Director Narciso Edillo na makakatulong nag naturang proyekto upang mapabilis ang goat production sa lahat ng ISU-Campuses kabilang na ang Batanes ISU campus.

Ito uano ay mayroon potensyal para sa agribusiness entrepreneur at upang mahikayat ang Gen z generation na makisali sa sector ng agrikultura lalo na aniya sa livestock concerns.

Dagdag pa ni RD Edillo, sa ilalim ng General Approprations Act (GAA) ay tumaas ang budget para sa livestock commodity ngayong taon.

Hinikayat rin nito ang pamunuan ng ISU na ipasa ang kanilang mga livestock prohect proposal ypang mapadami ang ngayo’y 100 heads ng dairy cattle stocks na ibinigay ng ahensya sa LGU Cabagan at ISU Cabagan nang nakaraang taon.

Tiniyak naman ni Dr. Ambrose Hans G. Aggabao, Campus Executive Director ng ISU Cabagan Campus na matutupad ang layunin ng naturang proyekto.

Samantala, ayon naman kay Dr. Maria Theresa R. Aggabao, ang Campus Extension Coordinator na prayoridad na benepisaryo sa nasabing proyekto ang mga adopted barangays ng kanilang paaralan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *