Gobernador ng Albay, nagbigay-reaksyon sa reklamo ni Armogila

LEGAZPI CITY – Isang pribelehiyo umano para kay Albay Gov. Noel Rosal ang ginawa ni Joseph Armogila matapos itong mag-file ng reklamo sa Commission on Elections (COMELEC) laban sa kanya, kung saan hindi niya umano mito pinagsisisihan.

Sa isang press conference sa pamahalaang panlalawigan ng Albay, sinabi ni Rosal na karapatan niyang magsampa ng reklamo sa COMELEC dahil ito ang kanyang paniniwala.

Dahil ditto, nakapagfile na rin ito ng Motion for Reconsideration (MR) sa COMELEC en banc, kung saan kailangan lamang na maipaliwanag ito nang maayos.

Inilahad nito ang kanyang isinumiteng MR sa COMELEC en banc tungkol sa pagbibigay ng financial support sa mga sektor ng tricycle at senior citizen sa lunsod ng Legazpi.

Nilinaw ng gobernador na ang pamamahagi ng City Government ng Legazpi ay isang programa na hindi na bago at hindi rin ito proyekto ng kasalukuyang alkalde na si Geraldine Rosal dahil matagal na itong programa ng lokal na pamahalaan.

Binigyang-diin pa nito na mayroong TUPAD program ang LGU Legazpi ngunit hindi ito itinuloy dahil sa pinagbabawal ito ng COMELEC. Naniniwala ang opisyal na malinaw na walang nilabag ang alkalde sa panahon ng election ban.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *