Local News

Gobernador ng Sorsogon, itinalaga ng DILG bilang chairperson ng RPOC para sa rehiyong Bicol

Itinalaga ng Department of Interior and Local Government (DILG) bilang Chairperson ng Regional Peace and Order Council (RPOC) para sa rehiyonng Bicol si Governor Edwin “Boboy” Hamor.

Mababatid na mahalagang papel ang ginagampanan ng Peace and Order Council sa kampanya ng pamahalaan sa paglaban sa kriminalidad, iligal na droga, insurhensiya at violent extremism.

Tulay din ito para sa mas matibay na pagtutulungan ng National Government at ng mga LGU sa implementasyon ng mga proyektong may kaugnayan sa peace and order.

Itinalaga din para sa parehong posisyon sina Davao City Mayor Sebastian Duterte bilang chairperson para sa Region XI, Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr. sa Region III, Bangsamoro Chief Minister Ahod Ebrahim para sa BARMM, at si Occidental Mindoro Governor Eduardo Gadiano sa MIMAROPA. 

BNFM Sorsogon

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago