Gobyerno, gagamit ng legal na paraan para kontrahin ang mga hakbang na makakaapekto sa COVID-19 response ng gobyerno – DOJ

Iginiit ni Justice Secretary Menardo Guevarra na gagamitin ng gobyerno ang lahat ng legal na paraan para kontrahin ang mga hakbang na maaring makaapekto sa COVID-19 efforts ng gobyerno.

Inihayag ito ni Guevarra matapos magbabala ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi susunod ang gobyerno sa mga kautusan ng korte kaugnay sa COVID-19 protocols.

Sinabi ng kalihim na sa kaniyang pagka-unawa sa sinabi ng Pangulo ay kailangan nilang labanan sa legal na paraan ang lahat ng hakbang na maaring maging sagabal sa all-out efforts ng gobyerno na protektahan ang mga tao mula sa COVID-19 sa gitna ng state of national emergency.

Kung maalala ay hinimok ng ilang abogado mula sa Cebu ang isang trial court na ideklara ang testing at quarantine protocols ng gobyerno bilang inapplicable para sa returning Overseas Filipinos na pauwi sa Cebu.

Ipinunto ng petisyuners na meron nang inherent authority ang gobernador ng Cebu at ang Sangguniang Panlalawigan sa pagresponde at pagprotekta sa mga residente ng probinsya mula sa isang public health emergeny.

Welcome naman sa DOJ ang kaso na inihain ng Cebu lawyers dahil makakapagbigay ito ng judicial forum para sa settlement ng mahahalagang legal issue na pwedeng lumutang muli sa hinaharap.

Samantala, sinabi ni Guevarra na irerepresenta ng Office of the Solicitor General ang IATF sa nasabing kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *