Gobyerno, hinimok na itaas ang minimum age para sa mga users ng vaping products sa 25

Hinihinimok ang gobyerno na itaas ang minimum age ng mga tao na papayagan na gumamit ng vaping products sa 25 taong gulang.

Sa pagdinig ng Senate committee on sustainable development goals, innovation, and futures thinking, sinabi ni Southeast Asia Tobacco Control Alliance Executive Director Dr. Ulysses Dorotheo, na ang minimum age na 25 ay ang cut-off para sa brain development ng mga adolescent, upang mabawasan ang risk ng nicotine addiction.

Sa ngayon, ang mga indibidwal na 18-taong gulang ay maari nang legal na makapag-smoke ng vaping products sa Pilipinas.

Kaugnay nito, sinuportahan naman ng Food and Drug Administration (FDA) ang naturang mungkahi ni Dorotheo.

Para naman lalo pang maprotektahan ang mga kabataan na gumamit nito, inirerekomenda rin ng naturang physician sa mga mambabatas na i-ban ang anumang attractive sa mga gumamit, gaya ng flavors at additives.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *