Gobyerno maaaring makipagtulungan sa FBI sa pagpapauwe kay Cong. Teves

Maaari umanong makipagtulungan ang gobyerno sa Federal Bureau of Investigation upang dakpin at pauwiin sa bansa si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. kung may matibay na ebidensya na nag-uugnay kanya sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pang tao.

Ito ang sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri kasabay ng panawagan sa kongresista na harapin ang mga akusasyon kung siya ay tunay na inosente.

Nasa US si Teves na nahaharap din sa kasong murder sa pagpaslang sa tatlong katao noong 2019.

Una nang hinikayat ni Speaker Martin Romualdez si Teves na umuwe ng bansa ang harapin ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa Degamo slay case.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *