Gobyerno naghahanda sa repatriation ng nasa 300 mga Pinoy sa Sudan

Inihahanda na ng pamahalaan ang lahat ng mga kailangan upang mapauwi ang humigit-kumulang 300 mga Pilipinong nananawagan ng repatriation sa Sudan.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kumakalap na ang gobyerno ng mga dagdag na impormasyon at inihahanda na ang mga paraan upang mabilis na makalabas sa Sudan ang mga Pilipino.

Sa ngayon ayon sa Presidente,  hindi pa nakakita ang gobyerno ng ligtas na daan para makaalis ang mga Pinoy sa Sudan at madala sa Cairo, Egypt kung saan naroon ang embahada.

Nauna rito, humingi ng tulong sa gobyerno  ang mga Pilipino sa Sudan dahil nauubusan na sila ng pagkain sa gitna ng patuloy na sagupaan.

Sinabi naman ng Department of Foreign Affairs na inuuna nito ang pagbibigay ng pagkain sa mga apektadong Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *