Gobyerno, naghihintay ng authorization para sa pagbili ng bivalent COVID-19 na vaccines

Naghihintay ng awtorisasyon at pag-apruba mula sa mga health experts ang gobyerno para sa inaasahang pagbili ng bivalent COVID-19 vaccines.

Sinabi ni health officer-in-charge na si Maria Rosario Vergeire, nakipag-ugnayan na ang gobyerno sa mga vaccine manufacturers na Moderna at Pfizer upang makakuha ng supply ng bivalent shots na naglalaman ng original virus strain at component ng variant ng omicron.

Sinabi ni Vergeire na isinumite na ng philippine authorities ang term sheet sa Moderna habang hinihintay nila ang ilalabas na emergency use authorization mula sa Food and Drug Administration, gayundin ang mga inputs mula sa Health Technology Assessment Council (HTAC).

Ang HTAC ay isang independent advisory body na nilikha sa ilalim ng Universal Health Care Act na may pangkalahatang tungkulin na magbigay ng gabay sa mga health authorities.

Kung ang lahat ng mga kinakailangan ay matutugunan kaagad, maihahatid ng Moderna ang supply sa unang bahagi ng susunod na buwan.

Para naman sa Pfizer, sinabi ni Vergeire na magsisimula na ang mga negosasyon kasunod ng paglagda sa confidential disclosure agreement.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *