Gobyerno, nanindigang tuloy pa rin ang mga big-ticket railway projects sa kabila ng pag-atras ng China

Nanindigan ang Department of Transportation na bagamat umatras na ang China sa pagpo-pondo ng tatlong mga big-ticket railway programs sa bansa – tuloy na tuloy pa rin ang pagpapatayo nito.

Ayon kay Transportation Undersecretary for Railways Cesar Chavez, desidido umano ang bagong administrasyon na ipagpatuloy pa rin ang mga proyekto at maghanap ng ibang mapagkukunan ng pondo.

Sa isang panayam, sinabi ni Chavez na masiyado nang malaki ang nagastos ng Gobyerno kahit na hindi pa man ito naguumpisa.

Bilyong-halaga ng Piso na umano ang nagasta rito mula sa feasibility study, hanggang sa mga binayaran para sa right of way.

Bago ito, una nang nilinaw ng China na bukas pa rin naman sila para sa renegotiation sa mga naantalang proyekto.

Iminungkahi naman ng ilang mga mambabatas na hindi lang China ang puwedeng magpondo sa government-to-government project na ito dahil may iba pang mga bansa, ‘o ‘di kaya nama’y mga pribadong sektor ang maaaring mamuhunan para rito.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *