Gobyerno ng Israel nangako na umanong patatawirin ang mga Pilipino sa Rafah Border

Aminado si Pangulong Bongbong Marcos na wala na sa kamay ng Gobyerno ng Pilipinas ang sitwasyon ng mga Pilipinong naipit sa Gaza.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ng Pangulo na ginagawa na sa ngayon ng Gobyerno ang lahat para matulungan ang ating mga kababayang naipit sa giyera sa pagitan ng Israel at Hamas.

Sa kabila nito, kinumpirma ni Marcos na nakausap na umano ni Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo ang mga counterparts nito sa Israel.

Dito ay nangako na raw si Israeli Foreign Minister Eli Cohen na patatawirin ang mga Pilipino sa Gaza sa Rafah Border ngayong araw hanggang bukas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *