Gobyerno ng Pilipinas, pormal nang naghain ng protesta sa China

Naghain na ang Pilipinas ng diplomatic protest kaugnay sa naging aksyon ng Chinese Çoast Guard noong November 20, nang sapilitang kinuha mula sa Philippine Navy vessel ang metal debris.

Ito’y matapos na i-adopt ng Senado ang isang resolusyon na nagpapahayag ng kanilang pagkadismaya kaugnay sa sitwasyon sa West Philippine Sea.

Ayon kay DFA spokesperson Assistant Secretary Teresita Daza, pinupuri ng ahensya ang clarity ang pagpapahayag ng Senado ng kanilang pananaw sa wide scope ng mga isyu sa WPS.

Dagdag ni Daza, na ang protesta ay inihain noong December 12.

READ MORE:

Bago ang adoption sa Senate resolution, ipinakita ni Senator Francis Tolentino sa kanyang privileged speech ang footage ang naturang insidente malapit sa Pag-asa Island noong Nobyembre.

RELATED STORY:

Pilipinas, nagpadala na ng note verbale sa China re: ‘forced retrieval’ ng rocket debris sa WPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *