Gobyerno ng Pilipinas, wala raw natanggap na request ng pakikipagdayalogo mula sa China hinggil sa mga isyu sa West Philippine Sea

Wala raw natanggap ang Department of Foreign Affairs na hiling para sa isang ‘urgent talks’ kasama ang China.

Ito ang naging reaksyon ni DFA Sec. Enrique Manalo matapos sabihin ni Chinese Embassy Deputy Chief of Mission Zhou Zhiyong na mayroon na raw silang request sa Pilipinas na makipagdayalogo noon pang Hunyo.

Hinggil ito sa pakikipagdayalogo para talakayin ang mga usapin sa West Philippine Sea, lalo na ang isyu sa Ayungin Shoal kasunod ng pambo-bomba nila ng tubig sa resupply mission sa BRP Sierra Madre.

Ayon kay Manalo, wala siyang natanggap na proposal para rito.

Wala pa rin umanong napatutunayan ang China na mayroon nang ginawang pangako ang Pilipinas na i-withdraw ang naturang vessel sa Ayungin Shoal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *