Gobyerno, pinag-aaralan ang EO kaugnay sa devolution ng executive functions sa mga LGUs

Pinag-aaralan ng national government ang epekto ng order na nag-uutos sa devolution ng certain functions ng executive branch sa local governments.

Tinutukoy ni President Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order No. 138, na inilabas ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong June 2021 para tulungan ang mabilis na pagpapatupad sa mga desisyon ng Supreme Court (SC) sa Mandanas-Garcia case.

Ang desisyon na nagresulta mula sa petisyon ni Batangas Gov. Hermilando Mandanas at dating Bataan Gov. Enrique Garcia, Jr. sa SC, na nag-gigiit na ang mga LGUs ay entitled na magbahagi ng lahat ng nakolektang national taxes, hindi lang ang internal revenue tax collections ng gobyerno.

Samantala, sinabi rin ng punong ehektubo na makikipag-ugnayan sila at ise-synchronize ang mga aktibidad sa parehong local at national levels.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *