Gobyerno, plano bakunahan ang 13.5-M na 5-11 y/o vs COVID

Plano ng gobyerno na magbakuna ng 13.5 million na mga batang may edad 5 hanggang 11 taong gulang laban sa COVID-19, matapos na simulan na ang mass inoculation program para sa younger population.

Pagtitiyak naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, may sapat na suplay ng bakuna ang bansa.

Ayon kay Vergeire, inaasahang tatanggap ang bansa ng halos 40 million COVID-19 vaccine doses sa katapusan ng taon.

Samantala, sinabi ng health official na wala pang pinal na desisyon hinggil sa rollout date ng anti-coronavirus shots para sa naturang age group, dahil wala pa ang emergency use authorization (EUA) para sa COVID-19 vaccines na ituturok sa mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *