Gobyerno wala nang gagawing aksyon matapos ibasura ng ICC ang apela ng bansa na suspendihin ang imbestigasyon sa drug war

Wala nang gagawing aksyon ang gobyerno ng Pilipinas matapos ibasura ng International Criminal Court, sa pamamagitan ng Appeals Chamber, ang bid na suspindihin ang imbestigasyon sa drug war sa bansa,

Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. wala nang dahilan para makisangkot ang Pilipinas sa ICC.

Binigyang-diin ni Marcos na wala nang anumang recourse ang Pilipinas sa ICC, pinananatili rin ang posisyon ng gobyerno na hindi ito makikipagtulungan sa international body.

Sa isang pahayag, muling iginiit ni Senate justice and human rights committee chairman Francis Tolentino na dapat kilalanin ng ICC ang soberanya ng Pilipinas, at idinagdag na ang pagtanggi ng ICC ay walang “binding effect” sa bansa.

Nauna nang sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na ang pagtanggi ng ICC sa apela ng gobyerno ay isang “indictment” sa judicial system ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *