Gov. Padilla umapela sa DOH na huwag tanggalin sa LGU ang augmentation lalo na ang Human Resource

CAMARINES NORTE- Umapela si Governor Ricarte “Dong” Padilla sa Department of Health (DOH) na huwag tanggalin sa mga Local Government Unit ang augmentation lalo na ang Human Resource.

Sa gitna ito ng implementasyon ng Mandanas law kung saan maraming function ang mapupunta sa LGU mula sa national government.

Ayon kay Padilla mabigat ang mga responsibilidad na nakaatang ngayon sa LGU dahil sa devolution of functions at mas bibigat ito kung mawawala ang augmentation lalo na sa mga tao.

Mababatid na dahil sa Mandanas law at dalawang taong pandemya ay nabawasan ang National Tax Allocation ng mga LGU.

Ang problema aniya ng mga LGU sa ngayon ay ang full implementation ng Universal Health Care (UHC) dahil ibinigay na raw halos lahat ang responsibilidad sa LGU.

Ibinahagi nito ang mga hamon na kanilang kakaharapin sa implementasyon ng UHC

Ang “predicament” o hamon umano sa mga Local officials ay ang pagpili sa tangible projects tulad ng kalsada kumpara sa healthcare.

Kadalasan umano na binibigyang pansin ng mga local officials ang mga nakikita ng tao tulad ng pagpapagawa ng mga kalsada dahil malaki  ang tiyansa na ma- re- elect ang opisyal pag ito ang pinili.

Minsan daw kasi ay hindi gaanong nararamdaman ng mga tao ang health care dahil ang laging tinitingnan ay ang tangible projects.

Ibinahagi rin ng Gobernador ang sitwasyon ng Camarines Norte Provincial Hospital kung saan sa isang kama ay dalawa o tatlong pasyente at marami na rin ang nasa hallway ng ospital dahil sa sobrang dami ng mga dinadala dito araw- araw.

Kailangan na raw ma- upgrade ang CNPH dahil may mga pasyenteng mga taga Camarines Norte ang kinakailangan pang ibiyahe sa Bicol Medical Center o kaya ay dalhin sa Philippine General Hospital sa Maynila.

Kaya naman humingi na ito ng tulong ay Health Undersecretary Nestor Santiago para ma- upgrade ang CNPH.

Sa ngayon umano ay pinag- aaralan ng Provincial Government kung ganap na maipapatupad ang UHC at ang e- consulta.

Ginawa ang pahayag na ito ng Gobernador sa katatapos lang na 11th Serbisyong Salud Bicolnon Awards na ginanap sa Legazpi City noong Biyernes. Kasama ng Gobernador ang ilang Alkalde at Municipal  Health Officers. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *