Gov. Tamayo, pinag-iingat ang publiko laban sa mga scammers na gumagamit sa kanyang pangalan

KORONADAL CITY- PINAG-IINGAT ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr ang publiko laban sa mga scammers na gumagamit ng kanyang pangalan para makapanloko.

Ito’y matapos nakatanggap ng report ang gobernador na may mga scammers na tumawag sa ilang mga restaurants noong Linggo at nagpabook at umorder ng pagkain gamit ang pangalan nito. Mayroon ding nanghihingi ng load at pera sa mga biktima.

Isa sa mga restaurant sa lungsod ng Koronadal ay ng P 10,000 na pambayad umano sa internet connection.

Nilinaw ni Governor Tamayo na hindi siya tumatawag sa mga restaurant o anumang business establishments dahil personal niya itong pinapapapuntahan sa kanyang mga staff.

Kaugnay nito, pinayuhan ng gobernador ang publiko na maging vigilante at huwag agad maniniwala sa mga nagpapanggap na sinumang opisyal, sa halip, ay i-validate muna itong mabuti.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *