Gov. Tamayo wala pang desisyon kung ibi-veto ang pagtanggal sa open pit mining ban

KORONADAL CITY- WALA pang konkretong sagot si South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr kung ibi-veto nito ang inaprubahang ordinansa ng Sangguniang Panlalawigan na nagtatangal sa open-pit mining ban.

Sa isinagawang Solidarity Walk kahapon sa harap ng kapitolyo, inihayag ni Tamayo na may binuo na silang Technical Working Group o TWG upang pag-aralan ang lahat ng may kaugnayan sa open pit mining at mapakinggan ang hinaing ng iba’t ibang grupo at sektor.

Ayon sa gobernador na iba-base nito ang kanyang desisyon sa rekomendasyon at resulta ng pag-aaral ng TWG para sa ikabubuti ng lahat na mga mamamayan sa probinsya.

Nilinaw din nito na hindi pa nito natatanggap ang approved ordinance na nag-aamyenda sa Environment Code.

Samantala, umaasa naman si Bishop Cerilo Casicas ng Diocese of Marbel na ikokonsidera at papakinggan ng gobernador ang boses ng nakararami.

Inihayag ng Obispo na hindi nito gustong pangunahan si Governor Tamayo at nirerespeto nito ang proseso na susundin ng gobernador ngunit sa huli, panalangin pa rin nito ang pag-veto sa naturang ordinansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *