KORONADAL CITY – DEAD in arrival sa pagamutan ang isang government employee sa vehicular accident na nangyari sa kahabaan ng National Highway, Purok Sta. Lucia, Barangay Kablon, Tupi, South Cotabato.
Kinilala ang nasawing biktima kay Jimmy Kuyan, 54 anyos, may asawa, residente ng Purok Pag-asa, Barangay Kablon sa nasabing bayan. Sa ulat ng Traffic Section ng Tupi Municipal Police Station na naganap ang aksidente dakong 1:15 ng madaling araw kahapon kung saan, habang minamaniho ng biktima ang motorsiklo nito mula sa bayan ng Tupi patungo sa deriksyon ng Gensan, subalit pagdating sa naturang lugar, lumihis ito sa tapat ng linya ng highway at aksidente na nabundol ng kasalubong na pick-up na minamaniho naman ni Garry Tamba, 33 anyos, residente ng Guevarra Street, Purok Malakas, General Santos City.
Dahil dito, nagtamo ng malalang pinsala sa katawan ang biktima at agad na isinugod sa pagamutan subalit hindi na ito umabot ng buhay. Sa ngayon ang mga sasakyan na sangkot sa aksidente kasama ang driver ng pick-up ay nananatili sa pag-iingat ng Tupi PNP para sa tamang disposisyon.
