Government employee sa Angeles City, Pampanga makakatanggap ng karagdagang 17 thousand bonus sa Disyembre

Inilabas na ng Angeles City Government ang schedule ng releasing ng bonus at karagdagang insentibo ng mga Government Employee sa lungsod.

Sa inilabas na Memorandum No. 1380, Series of 2021 na inisyu kahapon ni City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Lazatin Jr., naglabas ng mahigit 22, 372, 000 ang City Government para bigyan ng 17 thousand additional benefits ang nasa mahigit isang libong government employee dito.

Ang karagdagang incentives na ito ay matatanggap umano ng mga empleyado sa buwan ng Disyembre.

Samantala, ang tax-free year-end bonus ng mga ito ay inaasahang maibibigay na sa November 15.

Ang 3,000 year-end gratuity naman ng 2,959 Contract of Service o COS employees ay inaasahang maire-release sa December 7.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *