CAMARINS NORTE – Pinaalalahanan ng Civil Service Commission (CSC) ang mga kawani ng gobyerno na huwag nang makisawsaw sa mga isyung pampulitika kaugnay ng nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre.
Ayon kay Camarines Norte CSC Director II Atty. Alicia Salinas sa halip na mag engage sa โelectioneeringโ ay mag focus na lang sa trabaho ang mga kawani ng gobyerno.
Paliwanag ni Salinas na alinsunod sa omnibus election code at iba pang umiiral na batas mayroong mga prohibition sa government employees kapag election period.
Bilang kawani ng gobyerno ay bawal na lumahok sa election campaign o anumang political activities maging ang pag- organisa ng event para sa isang kandidato.
Gayunman hindi naman aniya ipinagbabawal ang paglalahad ng saloobin o opinyon patungkol sa mga isyu maging ang pagpo- post nito sa social media.
Mayroon na rin umanong ban sa pag- transfer ng empleado mula noong August 28 hanggang November 29.
Simula naman sa September 15 hanggang October 29 ay bawal na ring mag- isyu ng appointment maliban kung mabigyan ng exemption ng Commission on Elections dahil ito ay lubhang kailangan.
At kahit hindi itinuturing na government employee ang isang job order dahil walang employer- employee relationship, kinakailangan nitong mag- resign sa oras na maghain ng Certificate of Candidacy.
