Government procurement act, panahon na para amyendahan ayon sa DBM

Nakatakdang ipresenta ng Department of Budget and Management o DBM ang kanilang proposed amendments para sa Government Procurement Reform Act o GPRA, kay Pangulong Bongbong Marcos sa susunod na linggo.

Sinabi kasi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na panahon na para amyendahan ang ilang dekada nang RA 9184.

Ito raw ay para matulungan ang mga ahensya ng gobyerno na matugunan ang pahirapang procurements sa kanilang mga programa, aktibidad at proyekto, na tinukoy ng DBM na biggest bottleneck o hadlang sa government spending.

Kasunod naman ng pag aproba dito ng Pangulo, magbibigay rin sila ng physical version ng panukala sa senado at kongreso para sa pormal na paghahain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *