Government workers, nanawagan sa gobyerno na itaas sa P33k ang minimum wage sa buong bansa

Umapela ang worker groups sa gobyerno na taasan ang minimum wage ng mga manggagawa sa pamahalaan sa P33,000 kada buwan, sa harap na patuloy ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

Kaugnay nito, nagprotest ang government workers na pinangunahan ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) at Kawani Laban sa Kontraktwalisasyon (KALAKON) sa Department of Budget and Management para ipanawagan ang mas magandang sahod at benepisyo at job security.

Ito’y matapos sabihin ni Budget Secretary Amenah Pagdangaman, na pag-aaralan ng DBM ang posibilidad na isa pang round ng salary increases at ire-review ang kasalukuyang benepisyo ng government workers sa susunod na taon.

Ayon kay COURAGE Secretary General Manny Baclagon, na ang kasalukuyang lagay ng shaod at benepisyo ng mga manggagawa sa gobyerno ay kailangan ng mas urgent at concrete response mula sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Dahil dito, hinamon nila ang pangulo na aksyunan ang panawagan sa pamamagitan umano ng paglalabas ng executive order na taasan ang kasalukuyang benepisyo gaya ng Personnel Economic Relief Allowance, Special Relief Incentive, at Gratuity Pay para sa mga job orders at contract of service workers, maliban sa pagsesertipika bilang urgent sa pagpasa ng mga panukala na taasan ang inflation-eroded salaries ng mga government workers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *