Governor Padilla hinimok ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak kontra Measles, Rubella at Polio

CAMARINES NORTE- Hinimok ni Governor Ricarte “Dong” Padilla ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak kontra Measles, Rubella at Polio sa nagpapatuloy na supplemental immunization activity na gagawin ngayong buong buwan ng Mayo.

Sa mensahe sa launching ng Measles-Rubella and bivalent Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activities o MR OPV SIA sa lalawigan kahapon, sinabi ni Padilla  na napakahalaga ng bakuna para sa kaligtasan ng mga bata.

Layon ng MR OPV SIA na mabakunahan ang mga batang edad 9 hanggang 59 buwang gulang laban sa measles at rubella, at mabakunahan naman laban sa polio ang mga batang 0- 59 buwang gulang.

Binigyang diin ng Gobernador na ang pagbabakuna sa mga bata ay “shared responsibility” ng gobyerno at magulang.

“Ito po ay shared responsibility, responsibilidad ng gobyerno pero mas malaki po ang responsibilidad ng mga magulang sa kanila pong mga anak,” ani Padilla.

“Kahit na anong gawin naming pangungumbinsi sainyo, kahit na isubo na namin dalhin na namin sa barangay ang vaccination program, kahit na ang vaccination program, dalhan pa namin kayo halimbawa o eto vaccination may bonus pang bigas kayo, pero kung ayaw niyo pong ipabakuna ang inyong mga anak, hindi namin kayo mapu- pwersa.”

Aniya nagkaroon ng ng malawakang bakunahan kontra sa mga nabanggit na sakit dahil napakababa ng vaccination rate lalo na sa rehiyon at nakakatakot umano kung magkakaroon ng outbreak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *