Governor Padilla namagitan na sa mga LGU ng Daet at Mercedes kaugnay sa isyu ng terminal, ang dalawang panig naman kapwa naghahanap ng permanenteng solusyon

CAMARINES NORTE- Namagitan na si Governor Ricarte “Dong” Padilla sa tila namumuong gusot sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan ng Daet at Mercedes kaugnay sa isyu ng terminal ng jeep sa kasentruhan.

Ito ay sa gitna na rin ng tila pagmamatigas ng mga operator at driver ng jeep na biyaheng Mercedes na umalis sa sentro ng Daet sa kabila ng umiiral na ordinansa ng huli na nagbabawal sa una na  mag- terminal.

Nitong Miyerkules ay nagkaroon ng pag- uusap sa pagitan nina Mercedes Mayor Alexander Pajarillo at Daet Vice Mayor Godfrey Parale sa tanggapan ng Gobernador kasama ang jeepney drivers and operators.

Ibinahagi ni Mayor Pajarillo sa naging panayam ng Brigada News FM Daet ang ilan sa mga napag- usapan.

Paliwanag ni Pajarillo, malaking problema umano   sa mga mananakay ng Mercedes ang paglipat ng terminal sa SM City Daet dahil mapapalayo at dagdag gastos sa panig ng commuters.

“Ang worry ng mga jeepney operators is baka walang pumunta rin dun at medyo malayo na at isang inaano natin dito is mapapamahal masyado yung mapasahe ng ating mga kababayan,” ani Pajarillo.

Nakiusap umano ang Alkalde na kung pwedeng maghanap sila ng terminal at ang target nga umano ng Mercedes ay sa dating Heroes College.

Bagamat pinaninindigigan umano ni Vice Mayor Parale ang ordinansa ng Daet na dapat ipatupad ay bukas naman daw itong kausapin ang Sangguniang Bayan ukol sa plano ng Mercedes na gawing terminal ang nabanggit na lugar.

Sa ngayon ay mananatili sa kasalukuyang terminal ang biyaheng Mercedes,

Isa pa sa ipinupunto ng Alkalde ay ang kaligtasan umano ng mga mananakay kaya humihingi sila ng kunsiderasyon.

“Ang sa atin naman ang hinihingi ng bayan ng Mercedes ang kunsiderasyon, sabi naman natin ang lahat ng batas naman eh pwede namang mabigyan ng kunsiderasyon yung ating kahilingan.”

“Kung pupunta kako ng SM pupewedeng mag- cause ng traffic din yung mga jeep and hindi natin maiiwasan na magkakaroon sakay- baba diyan yung mga  taga Mercedes, pag may nakita diyan jeep na walang laman, sasakay yan or kahit puno yan magsisiksikan, pipilit diyan so ang inaano natin, magkaroon ng aksidente na may mahulog na tao kasi sasamantalahin nila yun eh pag naka, nasa stop light yung jeep, pupewede silang sumakay at pag- nakahinto yung jeep pupwede rin silang bumaba,” dagdag pa ng Alkalde.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *