Governor Tallado ipinag- utos ang pagbuo ng karagdagang vaccination team sa lalawigan

CAMARINES NORTE – Ipinag- utos ni Governor Edgardo Tallado ang pagbuo ng karagdagang vaccination team sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ito ang inihayag ni Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco sa naging panayam ng Brigada News FM Daet.

Ayon kay Francisco, mayroong marching order sa kaniya ang Gobernador na bumuo ng karagdagang team para i- augment ang kasalukuyang team of vaccinators upang mapabilis ang pagbabakuna kontra COVID- 19.

Paliwanag ni Francisco na ang bubuing additional team ng vaccinators ay pagpapakita na desidido ang probinsiya na mapabilis ang bakunahan para sa allocation ng karagdagang bakuna sa hinaharap.

Ito rin kasi umano ang isa sa mga batayan ng National Vaccination Operating Center para sa karagdagang suplay ng bakuna.

“Kapag nakita nga ang performance of the Province of Camarines Norte na talagang parang desidido na matapos ang bakunahan sakanilang probinsiya siguro ang ating National Vaccination Operating Center will also address  the need na bibigyan pa tayo ng additional suplay or more suplay compare to other provinces who are not accomplishing a lot,” ani Francisco.

Hanggang kahapon ng umaga nasa 40 porsiento na umano ng nasa A2 priority group o senior citizens ang nababakunahan sa 3, 900 vials ng Johnson and Johnson.

Kahapon ay dumating sa lalawigan ang nasa 160 vials na unang batch ng Moderna COVID- 19 vaccine at  karagdagang 12, 050 vials ng Sinovac.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *