Governor Tamayo, pinabulaanan na tinakot ang mga BARMM mayors na hindi susuporta sa UBJP

KORONADAL CITY – PINABULAANAN ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr na binantaan nito ang mga alkalde ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na isasailalim sa audit ang mga hindi susuporta sa United Bangsamoro Justice Party (UBJP).

Ayon kay Governor Tamayo, national president ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na regular process ng gobyerno ang audit na isinasagawa ng Commission on Audit (COA) at wala umanong dapat ikabahala ang mga alkalde.

Nilinaw din nito na layon ng audit na mapaigting pa ang good governance sa BARMM upang maging modelO ng ibang rehiyon at ng isinusulong na federal form of government.

Dumepensa din ang gobernador sa pahayag ni Maguindanao Del Sur Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu na nakikialam ito sa pulitika sa BARMM. Inihayag ni Tamayo na ang kanyang pakikipagpulong sa mga alkalde ng Bangsamoro region ay alinsunod na direktiba ni President Ferdinand Marcos Jr. Aniya, bilang national president ng PFP, ito ang inatasan ng Pangulo kaugnay sa mga usaping pulitika ng partido.

Napag-alaman na may nilulutong alyansa ang PFP at UBJP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *