Gov’t adviser on COVID-19, OK sa mobility restrictions vs di pa bakunadong bata

Suportado ni Special adviser to the National Task Force against COVID-19 Dr. Ted Herbosa ang panukala na higpitan ang mga unvaccinated minors, partikular na ang mga nasa 11 taong gulang pababa, na makapaasok sa malls para sa leisure activities.

Giit nito, ang mga bata ay susceptible parin sa SARS-CoV-2, ang virus na nagdudulot ng COVID-19, at sila ay vulnerable, bilang hindi pa sila eligible para sa vaccination.

Sinabi ni Herbosa na dapat payagan lang ang mga bata na magpunta ng mall para sa mga importanteng layunin, pero hindi dapat manatili ng matagal at madalas.

Mababatid na pinayagan na ang mga bata na makapasyal matapos luwagan ng gobyerno ang restrictions sa Metro Manila, at isinailalim ang rehiyon sa Alert Level 2.

Sa gitna nito, maraming naalarma dahil maraming pamilya ang dinadala ang mga bata sa malls at sa iba pang crowded places.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *