Gov’t agencies, dapat may access sa satellite data

Nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magkaroon ng access ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno sa satellite data na gagamitin sa agriculture, business, at environmental protection.

Inigiit ni Marcos, na chairman ng Philippine Space Council (PSA), ang kahalagahan ng satellite mapping, na maaring magkaroon umano ng multiple applications.

Ayon sa punong ehekutibo, na kailangan ng mga potential investors na maaring carbon producers na ibalanse ang kanilang aktibidad, sa pamamagitan ng pag-gamit ng mapping data para ma-develop umano ang partikular na bio-diverse area sa isang lokasyon.

Sa gitna nito, nanawagan din ito sa PSA na i-maximize ang partnerhip ng Pilipinas sa iba’t-ibang international agencies na involve sa imaging na makakatulong umano sa bansa.

Samantala, nagmungkahi naman ang Philippine Space Agency (PhilSA) sa pamamagitan ng isang resolusyon, na magdedeklara sa annual celebration ng National Space Week o Pambansang Linggo ng Kalawakan mula August 8 hanggang 14 simula sa susunod na taon.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *