Govt, hiniling ang P1.04B refund mula sa foreign contractor re: Free Wi-Fi

Hiniling ng Pilipinas ang $21.8 million (o mahigit P1.04 billion) na refund mula sa foreign contractor para sa libreng internet access project, dahil sa kabiguan ng kompaniya na mag-install. matapos ang apat na taon.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, nais nang tapusin ng gobyerno ang kasunduan sa service provider Speedcast, matapos na 10,000 lang mula sa kanilang target na 120,000 hotspots ang naideploy simula nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas para sa libreng public Wi-Fi noong 2017.

Maliban dito, nais rin ng gobyerno na maiturn over ang proyekto sa Department of Information and Communications Technology, na nakapag-set up na umano ng 500% na mga sites, kumpara sa mga kontraktor.

Una nang sinabi ng presidential spokesman na suportado ng MalacaƱang ang plano ng mga mambabatas na imbestigahan ang implementasyon ng proyekto, lalo na sa gitna ng alegasyon ng smuggling, bribery at negligence. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *