Govt, ipinanatili ang 2023-2024 inflation ceiling sa 2-4%, at target din para sa 2025-2026

Ipinanatili ng economic managers ng Marcos administration ang inflation target band na 2.0% hanggang 4.0% para sa susunod na dalawang taon, at itinakda ang kaparehong ceiling para sa isa pang dalawang taon.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), na ang desisyon ng Cabinet-level economic cluster Development Budget Coordination Committee (DBCC), para sa medium-term inflation target ay may kaugnayan sa commitment ng BSP para sa transparency at accountability, maging ang forward-looking approach sa pagsasagawa ng monetary policy.

Dagdag ng BSP, na ang inflation target range na 3.0% ± 1.0 percentage point (2-4%) ay patuloy na appropriate quantitative representation ng medium-term goal ng price stability, na optimal para sa Pilipinas, lalo na sa kasalukuyang structure ng ekonomiya at outlook para sa macroeconomic conditions sa susunod na ilang mga taon.

Para ngayong taon, ang year-to-date inflation averaged 5.8% ng bansa ay lampas sa target range ng pamahalaan na 2% hanggang 4%, matapos maabot ang highest print sa nakalipas na 14 na taon sa 8.0% noong Nobyemre. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *