Bilyong pondo nawala dahil sa smuggling, illegal manufacture ng sigarilyo

Hiniling ng isang opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mahigpit na kooperasyon ng publiko sa kampanya laban sa smuggling at sa illegal manufacture ng sigarilyo.

Ang naturang mga aktibidad umano ay nagkakait sa pera ng gobyerno na makokoleta sana para sa health care spending.

Ayon kay Lawyer Moises Tamayo, NBI director ng Western Mindanao, ang ang cigarette smuggling ay talamak sa ilang mga probinsya ng Zamboanga Peninsula at Bangsamoro regions.

Dagdag ni Tamayo, noong nakaraang taon, nakumpiska ng mga otoridad ang pinuslit na sigarilyo sa Zamboanga del Sur na maari sanang maliko ng gobyerno na P500 million sa excise tax.

Samantala, ibinunyag naman ni Irvin Ho ng Bureau of Customs (BOC) na mula Mayo hanggang sa Disyembre 2020, ang mga pinuslit na sigarilyo ay pumapalo sa P3 billion sa Zamboanga Peninsula at Bangsamoro regions.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *