Prosecutors tatapusin na ang presentasyon ng mga testigo sa plunder case ni Enrile

Tatapusin na ng government prosecutors sa buwan ng Marso ang presentasyon ng kanilang mga testigo sa kasong plunder na kinakaharap ni dating senador at ngayon ay Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.

Matapos magharap ng dalawang testigo, sinabi ni Prosecutor Khadaffy Ferdinand Garzon sa anti-graft court na ipagpapatuloy nila ang kanilang presentasyon ng kanilang mga witnesses sa March 7 dahil hiniling nila ang pagkansela ng mga nakatakdang pagdinig sa February 21, 23, 28 at March 2.

Iniharap ni Garzon si dating Umingan, Pangasinan municipal agricultural officer Francisco Collado at ang magsasaka na si Rodrigo Soriano na tumestigo sa pamamagitan ng kanilang judicial affidavits sa hindi nila pagtanggap ng agricultural packages mula sa opisina ni Enrile.

Sinabi ni Garzon sa korte na ang natitira nilang 26 na testigo ay “vital” sa kaso dahil sila ay tumestigo rin sa iba’t ibang Special Allotment Release Orders na inisyu ng Department of Budget and Management o DBM.

Samantala, sinabi ng prosekusyon na tatapusin nila ang presentasyon ng kanilang mga testigo para sa mga kasong graft sa Mayo, kung saan ang whistleblower ng PDAF scam na si Benhur Luy ang huli nilang isasalang na witness.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *