Grade 10 student, sugatan sa pananaksak sa Candelaria, Quezon

Sugatan ang isang 19-anyos na grade 10 student matapos itong saksakin ng kasamahan ng nakaalitan nito sa Barangay Malabanban Sur, Candelaria, Quezon nitong Lunes, Marso 6.

Ayon sa police report, nagkaroon umano ng mainit na alitan ang biktima at ang isa sa mga suspek na kinilala sa pangalang John Michael Russel Bayanin, nasa hustong gulang, kung saan nauwi pa ito sa suntukan.

Maya-maya pa ay kumuha na ang isa pang suspek na kinilala naman sa alyas na “Eco” ng isang matulis na bagay saka sinaksak ang biktima sa kaliwang ibabang bahagi ng likuran nito.

Agad namang isinugod sa hospital ang biktima matapos magtamo ng saksak habang agad namang tumakas ang mga suspek.

Kasalukuyan ng inihahanda ngayon ang kasong Frustrated Homicide laban sa naturang mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *