Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na mayroong tubercolosis ang Grade 5 student na si Francis Jay Gumikib, na nasawi matapos umanong sampalin ng guro.

Ayon kay Hector Sorra, Medico Legal Division chief ng PNP-Forensic Group, nakita nila na may pulmonary tuberculosis sa baga ni Gumikib habang isinasagawa ang awtopsiya.
Sa kabila nito, hinihintay pa rin nila ang resultra sa histopathology examination para masuri pa nila ito.
Dagdag pa nito, mailalabas lang ng Medico Legal Division ang kabuuang report sa pagkamatay ng estudyante kapag nakumpleto nanila ang pagsusuri sa CT scan at hispathology.