Grade 6 student sa Bulacan, nabaril ang sarili gamit ang baril ng tatay nitong pulis

Nabaril ng dose anyos na grade 6 student ang kanyang sarili, matapos nitong pakialaman at dalhin sa school ang issued firearm ng tatay nitong pulis.

Ayon kay PLtCol. Ronaldo Lumactod, ang hepe ng San Jose Del Monte City police office, naganap ang insidente kaninang mag aalas sais ng umaga sa comfort room ng Benito Nieto Elementary school.

Pagdating umano sa school ay agad dumeretso sa CR ang bata at doon kinalikot ang baril na kalibre 9mm, nang bigla itong pumutok at tumama sa kanyang baba na tumagos sa ilong.

Agad namang nadala sa pagamutan ang bata at nasa stable na ang kalagayan.

Ayon pa kay PLtCol Lumactod, base anya sa salaysay ng magulang ng bata lulong umano ang biktima sa paglalaro ng online games, kaya posibleng inakala na pareho sa laro ay agad nare-revive ang buhay.

Samantala posible namang maharap sa administrative liability ang tatay nitong pulis na naka assign sa Police Community Relations office sa Camp Crame, dahil sa kapabayaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *