Graft complaint vs ex-Tourism chief Teo, Ben Tulfo re: Ad deal, ibinasura

Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang graft complaint laban kay dating Tourism chief Wanda Teo, kapatid nitong si Ben Tulfo, at ilan pang mga opsiyal ng state-run PTV kaugnay sa P120-million ad deal noong 2017.

Ayon sa Ombudsman, hindi umano ‘privy’ si Teo sa kontrata na pinasok sa PTV at sa Bitag Media Unlimited Inc. (BMUI) ni Ben Tulfo para sa promotional advertisement ng Department of Tourism.

Paliwanag pa ng Ombudsman, walang sabwatan na nangyari, hindi rin umano nagpapakita na alam ni Sec. Teo na ang Kilos Pronto ay pagmamay-ari ni Bienvenido Tulfo, na kanyang kapatid.

Mababatid na batay sa kanilang 2017 audit report, sinabi ng Commission on Audit (COA) na ang memorandum of agreement sa pagitan ng DOT at PTV ay nagpapakita ng posibleng conflict of interest at “undue injury to the government.”

Pinuna rin ng state auditors ang PTV dahil sa kanilang bayad sa BMUI na nagkakahalaga ng P60 million dahil sa kakulangan ng supporting documents, pero giit ng Ombudsman nakuha ng gobyerno ang kanialng “monies worth.”

Binigyang diin ng Ombudsman na batay sa mga ebidensya, tumalima ang BMUI sa pamamagitan ng programang Kilos Pronto sa kanilang contractual obligations kahit lampas na na airtime na napagkasunduan. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *