Grand Stacruzan magsisimula na ngayong araw

Sisimulan na ngayong araw Mayo 25 ang tatlong araw na aktibidad ng Sorsogon Province Grand Santacruzan.

Ang Lungsod ng Sorsogon at mga bayan ng Barcelona, Irosin, Casiguran, Pilar ang unang sasabak sa Grand Santacruzan Procession pagkatapos ng isang misa na isasagawa sa Sorsogon Sports Complex ganap na 4:00 ng hapon.

Babaybayin ng procession ang kahabaan ng national highway at Magsaysay St hanggang sa Sorsogon Provincial Capitol at dito na gaganapin ang programa kabilang na ang Sagala Walk-Final Show at ang pagbibigay ng awards at recognition. 

Bukas, Mayo 26 sa ikalawang araw ng aktibidad ang mga bayan naman ng Bulan, Castilla, Donsol, Gubat at Bulusan ang sasagala habang sa araw ng Sabado ay ang mga bayan ng Juban, Magallanes, Matnog, Pto. Diaz at Sta. Magdalena.

Ang mananalo ng grand prize at makatatanggap ng P150K, P100K ang makakakuha ng unang puwesto, P75K sa pangalawa at P25K para sa consolation prize.

Ang aktibidad ng Grand Santacruzan ay bilang pagdiriwang ng mayamang pamana ng lalawigan ng Sorsogon, masiglang kultura, at itinatanging mga tradisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *