Granular lockdown; APOR kabilang ang HCW pdeng lumabas pero hindi na muna makakabalik sa lockdown area

Batangas -Malinaw ang isinasaad na panuntunan sa ipinalabas na guidelines ng Department of Interiror and Local Government para sa mga lugar na deklaradong nasa ilalim ng granular lockdown.

Sa ginanap na pagpupulong ng Batangas IATF, inilatag ni DILG Batangas Provincial Director Abigail Andres ang alituntuning na hindi na muna maaring pumasok ang isang Authorized Person Outside Residence kabilang ang mga health care workers (HCW) sakaling lumabas na sila sa lugar na deklaradong nasa ilalim ng granular lockdown.

Ipinaliwanag na kung sakaling maabutan sa labas ng lockdown ang APOR ay hindi na muna ito makakapasok sa lugar at makauuwi lamang sila sa oras na matapos/ ma-lift na ang lockdown.

Sa ayuda, nakalahad din na ang lokal na pamahalaan ang inaatasang magbigay ng food packs sa mga residente na nasa loob ng lockdown, inaatasan din sila na makipag-ugnayan sa DSWD para sa karagdagng mga supply at tulong.

Sa kasalukuyan nagdeklara na ng granular lockdown sa tatlong barangay sa bayan ng Lobo habang sa bayan naman ng Alitagtag ay may bahagi ng tatlong sitio ang nasa ilalim ng granular lockdown ayon sa pinakahuling tala ng DILG Batangas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *